DA

P2.8B pinsala ng bagyong Paeng sa agri

146 Views

NAGKAKAHALAGA ng P2.86 bilyon ang halaga ng pinsala ng bagyong Paeng sa agrikultura.

Ayon sa datos ng Department of Agriculture (DA), nasa 116,291 metriko tonelada ng produkto ang napinsala sa 86,574 hektarya ng lupang sakahan.

Pinakamalaki umano ang pinsala sa produksyon ng bigas na nasa P1.78 bilyon, high value crops na nagkakahalaga ng P557.2 milyon, livestock at poultry with (P36.3 milyon), palaisdaan (P201.73 milyon), mais (P135.4 milyon), at kamote (P4,220).

Ang pinsala naman ng imprastraktura sa sektor ng agrikultura gaya ng warehouse at sistema ng irigasyon ay nasa P187.4 milyon.

Ayon sa DA maaaring magbago pa ang mga halaga ng pinsala ng bagyo sa pagpasok ng mga dagdag na datos mula sa mga apektadong lugar.