Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026
Calendar
Provincial
Fertilizer voucher ipamamahagi sa magsasaka
Peoples Taliba Editor
Nov 15, 2022
518
Views
MAMIMIGAY ng fertilizer voucher ang gobyerno upang tulungan ang mga magsasaka na mapataas ang kanilang produksyon.
Sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) Memorandum Order (MO) No. 65 series of 2022 ang mga voucher ay maaaring ipalit ng urea fertilizer, ayon kay DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban.
Sa ganitong paraan ay malalagyan umano ng sapat na pataba ang mga pananim at mas maraming maaani ang mga magsasaka.
Kasama sa mga bibigyan ng voucher ang mga magsasaka na nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA), Farmers and Fisherfolk Registry System (FFRS), at ang mga magtatanim sa 2022-2023 dry cropping season.
Prayoridad sa programa ang mga magsasaka na ang sinasaka ay dalawang hektarya o wala pa.
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

