6 huli sa dynamite fishing

102 Views

NAARESTO ng Philippine Coast Guard (PCG) at PNP Maritime Group ang anim na mangingisda na gumagamit umano ng dinamita sa Ternate, Cavite.

Nagsasagawa umano ng intensified maritime security patrol ang mga otoridad sa Carabao Island ng mapansin nila ang isang kahina-hinalang bangka.

Nang inspeksyunin ay nakita umano sa bangka ang anim na bote ng dinamita at isang air compressor.