Vigan Ang Vigan City Cathedral

Nagnakaw ng donation money sa Vigan Cathedral nahuli

Christian Supnad Oct 26, 2026
34 Views

VIGAN CITY, Ilocos Sur — Nahuli na noong Linggo ng pulis ang isang suspek na nagnakaw ng donation money sa St. Paul Metropolitan Cathedral, Barangay 1, Vigan City.

Kinilala ng pulis ang nasakoteng suspek na isang 36-anyos na taga Zone 6, Sinapangan, Bangued, Abra.

Ayon sa ulat, isang concerned citizen ay nagsumbong sa pulis na may nakitang isang lalaki sa itaas ng bintana ng Cathedral kung saan nakapuwesto ang imahe ni San Pablo.

Ang lalaki ay may backpack at may hawak na plastic bag.

Agad inabangan at inaresto ng mga pulis Vigan ang suspek nang siya ay bumaba at dumaan sa scaffolding dahil under renovation ang simbahan.

Nakuha sa suspek ang dalawang envelope na naglalaman ng donasyon sa simbahan, volt cutter, apat na nasirang padlocks, steel plies, steel cutter saw, dalawang microphone, bilog na salamin, cellphone, personal na gamit, at motorsiklong R125 Suzuki Raider (A5538T).

Kamakailan, ninakaw din ang donation money sa Simbahan ng Caoayan, Ilocos Sur.