Sanggol Nagsagawa ng pulong-balitaan ang pamunuan ng Southern Police District (SPD) sa pangunguna ni P/BGen. Rodel Pastor upang ihayag ang pagkakabawi sa kambal na walong-buwang sanggol at pagkakadakip sa tatlong suspek sa magkahiwalaY na lugar sa lalawigan ng Pampanga at Aurora. SPD-PIO

Kambal na sanggol nabawi sa anti-trafficking op, 3 suspek huli

Edd Reyes Oct 26, 2026
28 Views

NABAWI na ng pulisya ang walong-buwang kambal na lalaki na ipinagkatiwala ng kanyang ina sa babaeng nakilala lamang sa social media makaraang maaresto ang maglive-in partner na nangangalaga sa kambal Linggo ng hapon sa Candaba, Pampanga.

Unang nagreklamo ang lola ng kambal sa pulisya makaraang kunin ng 24-anyos na ina ang kanyang kambal na anak na nasa pangangalaga ng lola noong Agosto 10, 2026. matapos ang hindi pagkakaunaawan ng pamilya.

Nagreklamo ang lola ng kambal nang matuklasang ipinagkatiwala ang mga bata sa 32-anyos na si alyas “Cynthia” na nagbigay umano ng kabayarang P30,000 sa ina ng mga sanggol.

Nagkasa ng operasyon ang mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Rodel Pastor noong Oktubre 19 nang matuklasang nakatira sa Bayan ng San Luis. Brgy. 2 sa lalawigan ng Aurora si alyas Cynthia na nagresulta sa kanyang pagkakadakip subalit wala na sa kanyang pangangalaga ang kambal.

Sa halip, nadatnan ng mga pulis sa bahay ng suspek ang dalawa pang bata na edad 10 at anim na buwan na hinihinalang ibebenta rin niya.

Nang isailaim sa interogasyon ang suspek, natuklasan na nasa pangagalaga ng maglive-in partner na sina alyas “JSC”, 32, at alyas “SJAG’, 36 ang kambal na sanggol sa Candaba, Pampanga kaya’t noong araw ng Linggo, nagtungo ang mga operatiba ng Taguig Police Station sa naturang lalawigan na nagresulta sa pagkabawi sa kambal at pagkakadakip sa maglive-in partner dakong alas-3:45 ng hapon.