Calendar
Nation
CAAP: Plane crash sa Davao del Sur peke,sasakyan ligtas na nakalapag
Jun I Legaspi
Nov 10, 2026
35
Views
FAKE news, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), ang naiulat na crash ng eroplano sa Brgy. Sinoron, Sta. Cruz, Davao del Sur noong Nob. 10.
Ayon sa CAAP, ang sasakyang panghimpapawid na may rehistrasyong N882TP ay natuntong ligtas na nakalapag sa Butuan airport.
Matapos ang beripikasyon ng mga kaugnay na impormasyon at koordinasyon sa mga kinauukulang awtoridad, nakumpirma na walang naganap na aksidente na kinasasangkutan ng naturang eroplano.
Pinaalalahanan ng CAAP ang publiko na tiyaking mula sa mga opisyal at mapagkakatiwalaang pinagkukunan ang impormasyong kanilang pinaniniwalaan at ibinabahagi lalo na sa mga usaping may kinalaman sa kaligtasan ng abyasyon.

