Cuenca

Kelot na nanakot, may bitbit na itak, boga dinakma sa Cuenca

79 Views

LogoLogo1

KAMPO HENERAL MALVAR, Lungsod ng Batangas – Nadakma noong Linggo ng mga kapulisan ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), sa pamumuno ni PCOL Oliver Ebora, Provincial Director, kasama ang mga tauhan ng Cuenca Municipal Police Station ang isang kelot dahil sa grave threat at illegal na pagdala ng baril sa Sitio Oval, Brgy. Labac, Cuenca, Batangas.

Si alyas Babelito, 59, residente ng Brgy. Labac, Batangas ay pinosasan ng mga pulis sa pamumuno ni PMaj. Ricky M. Fornolles, hepe ng pulisya.

Batay sa paunang ulat, nakatanggap ang mga pulis-Cuenca ng tawag sa telepono mula sa isang indibidwal hinggil sa pagbabanta ng isang lalaking may baril.

Inaresto ang suspek dahil sa grave threats at paglabag sa Republic Act No. 10591, na kilala rin bilang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.”

Narekober sa suspek ang isang mahabang baril na caliber .22 na walang magazine, basyo ng bala para sa caliber .22; at itak o jungle bolo.

Ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa Miranda Doctrine at sa mga probisyon ng Anti-Torture Act.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Cuenca Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon, imbestigasyon, at disposisyon ng kaso.