Limay

Limay mayor miyembro na ng PH Army reserve force

Christian Supnad Nov 13, 2026
103 Views

ANG citizen-soldier at military reserve force ay para tumulong sa national defense, disaster response at socio-economic support, ayon kay Limay, Bataan Mayor Richie Jason David.

Sinabi ni David na isang karangalan ang maging bahagi ng Philippine Army Reserve Force.

“Maraming salamat sa tiwala at pagkakataong makapaglingkod, hindi lamang sa ating bayan ng Limay kundi maging sa ating bansa. Iisa ang ating layunin ang maglingkod, tumulong at maging handa sa oras ng pangangailangan. Para sa Diyos, bayan at mamamayan,” ani David.