Calendar
Manila Resto Week pinasinayaan ni Mayor Isko
DINAGSA ng mga food lovers ang Manila Restaurant Week: Street Food Festival sa Plaza San Lorenzo Ruiz, Binondo, Manila, noong Huwebes.
Nakiisa si Mayor Isko Moreno Domagoso, pati na ang ilang konsehal at negosyanteng Tsinoy, sa pagbubukas ng naturang food festival at inikot ang mga kainang nagtatampok ng iba’t ibang pagkain.
“Sinikap po nating makadalo sa mga ganitong aktibidad bilang suporta sa ating mga lokal na negosyo,” pahayag ng alkalde.
Nakasentro sa pitong araw na food festival ang 20 iba-ibang pagkain mula sa mga Chinese restaurant sa Binondo na pinagsama-sama sa iisang lugar upang mas madaling matikman ng mga bisita.
Bukas ang mga kainan sa tapat ng Binondo Church alas-4 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi at tatagal ng hanggang Nobyembre 18.

