Alfred Vargas

Kongresista umalma sa pagka-antala ng guidelines para sa pagkakaloob ng pondo para sa mga cancer patients

Mar Rodriguez Feb 14, 2022
254 Views

UMALMA ang isang Metro Manila congressman kaakibat ang panawagan nito para sa agarang pagpapalabas ng guidelines at alituntunin kaugnay sa “Cancer Assistance Fund”.

Sinabi ni Quezon City Rep. Alfred Vargas na ang Cancer Assistance Fund ay isang programa ng pamahalaan upang tulungan ang mga libo-libong cancer patients sa bansa.

Kabilang na dito pagkakaloob ng pamahalaan ng tulong para sa kanilang mga gamot at treatment at iba pang mga pangangailangan sa ilalim ng National Integrated Cancer Control Act (NICCA).

Binigyang diin ni Vargas na ang sakit na cancer ay itinuturing na “financially catastrophic disease”. Kung saan, ang mga may ganitong karamdaman ay literal na natutuyuan sapagkat nasasaid ang lahat ng kanilang naipon dahil sa napaka-mahal na gamutan para dito.

Sinabi ng kongresista na ang pagkaantala sa pagpapalabas ng guidelines upang agarang maibigay sa kanila ang kinakailangang pondo ay lalo lamang nagpapahirap sa nakalulunos na kalagayan ng mga cancer patients na maituturing na isang kawalan ng malasakit para sa kanila.

“Cancer is a financially catastrophic disease. So this delay is already unconscionable, despite efforts to aid our fellow Filipinos through the NICCA. This delay denies cancer patients and their families much needed help and comfort,” ayon sa mambabatas.

“Halos isang taon na pero hindi parin natatapos ang guidelines. The Department of Health (DOH) needs to resolve this issue now. Aba eh’ maawa naman sila sa mga cancer patients,” dagdag pa ni Vargas.

Ipinaliwanag pa ng QC solon na sa ilalim ng NICCA, ang Cancer Assistance Fund ay pinangangasiwaan ng DOH na ipagkakaloob naman nito sa mga DOH-Licensed Cancer Centers para sa mga pasyenteng dumudulog sa kanila para sa mga gamot at treatment.

“The DOH and PhilHealth are mandated to prescribe the coverage rates and applicable rules. The law also provides that processes to avail of such funding shall be streamlined to ensure timely provision of cancer care,” ayon pa kay Vargas.