Department of Health

COVID-19 UPDATE: Nasawi lagpas 55k na

378 Views

TUMAWID na sa 55,000 mark ang bilang ng mga nasawi sanhi ng COVID-19 sa bansa.

Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) ngayong Lunes, nadagdagan ng 164 ang mga nasawi at may kabuuang bilang na 55,094.

Umakyat naman sa 3,639,942 ang kabuuang bilang ng mga nahawa ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan ng 2,730.

May nadagdag namang 7,456 sa mga gumaling at umakyat ang kabuuang bilang nito sa 3,508,239.