BBM1

NEDA inaprubahan P11.2B FishCoRe Project

128 Views

INAPRUBAHAN ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang P11.2 bilyong Philippine Fisheries and Coastal Resiliency (FishCoRe) Project na nagtatayong tugunan ang mga problema ng fishery sector na magdadala ng pag-unlad sa buhay ng mga mangingisda at magpapataas sa produksyon ng pagkain sa bansa.

Ginawa ng NEDA ang pag-apruba sa proyekto bago ang ipinatawag na pulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Huwebes—ang unang meeting ng Pangulo sa socio-economic planning body.

Sa naturang pagpupulong ay idiniin ng Pangulo ang pangangailangan na maparami ang suplay ng saltwater fish.

“So we have to get into the industry. We’ve been pushing it since we started using fingerlings to the Pangasinan aquaculture. ‘Yung grow-out doon sa amin… after the grow-out, we will send them to Pangasinan,” ani Marcos.

“For some reason hindi nagfo-flourish ‘yung aquaculture, hindi na nade-develop. That’s why this is important for me. I think this is where — if not all, it will be part of our food supply. It will give very good income for our fisherfolk,” punto ng Pangulo.

Layunin ng FishCoRe project na matugunan ang kumokonting nahuhuling isda, problema sa pagproseso ng nahuhuling isda at pagbawas sa mahihirap na mangingisda.

Sa P11.2 bilyong pondo na kailangan ng proyekto, P9.6 biilyon ang manggagaling sa official development assistance (ODA) ng World Bank (WB).

Ang balanse ay papasanin ng gobyerno sa ilalim ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) at pribadong sektor.