Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Phivolcs

Magnitude 5.1 lindol yumanig sa hilagang Luzon

702 Views

Isang lindol na may lakas na magnitude 5.1 ang yumanig sa hilagang Luzon gabi ng Huwebes, Nobyembre 25.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-11:05 ng gabi.

Ang epicenter nito ay walong kilometro sa silangan ng Burgos at may lalim na 22 kilometro.

Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na Intensity:

Intensity V – Adams, Bacarra, Bangui, Burgos, City of Laoag, Pagudpud, at Pasuquin, Ilocos Norte

Intensity IV – Badoc, City of Batac, Carasi, Currimao, Dumalneg, Pinili, at San Nicolas, Ilocos Norte; Sinait, at City of Vigan, Ilocos Sur

Intensity III – San Vicente, Ilocos Sur

Intensity I – Bantay, Ilocos Sur

Instrumental Intensities:

Intensity IV – City of Laoag, at Pasuquin, Ilocos Norte

Intensity III – City of Vigan, Ilocos Sur; Claveria, Gonzaga, at Peñablanca, Cagayan

Intensity I – City of Tabuk, Kalinga; Santol, La Union; at City of Ilagan, Isabela