Lagoon Big win para kay Big Lagoon.

Presidential Gold Cup kay Big Lagoon

Ed Andaya Dec 20, 2022
360 Views

WALA ng iba kundi si Big Lagoon.

Umukit ng kasaysayan si Big Lagoon matapos manalo sa P10-million 2022 Philracom-PCSO Presidential Gold Cup — ang pinakamalaki at pinaka prestihiyosong karera sa bansa — sa Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas kamakailan.

Sa mahusay na patnubay ni jockey John Alvin Guce, ang five-yeat-old bay ni Havana out of Blue Catch ay nakipagsabayan sa iba pang pinakamagagaling na mga kalahok bago umalagwa sa huling 600 meters ng lung-busting na 2000-meter na karera.

Ang nasabing Melaine Habla owned and bred Big Lagoon ay abante ng higit 1 1/2 lengths sa mahigpit na katunggaling Super Sqerte ni sportsman Leonardo “Sandy” Javier Jr. upang masungkit ang inaasam ng lahat na Presidential Gold Cup .

Ang time of race ay 2:04 na may clips nq 24′-23-25-24-27′.

Bukod sa Presidential Gold Cup, naiuwi din ng Big Lagoon ang top prize na P6-million.

Ang pumangalawang si Super Swerte ay nakakuha naman ng P2-million para sa kanyang runner-up finish.

Ang third placer na si Boss Emong ay nagkamit ng P1-million, kasunod si Sky Shot na may P500,000 bilang fourth placer at Victorious Colt, na may P300,000 bilang fifth placer.

Naging malaking bahagi din ng inaabangang karera ang pagbibigay ng kàukulang parangal kay dating Presidential Gold Cup champion na si Pangalusian Island,na pormal na nagpaalam sa bayang karerista sa pamamagitan ng isang ceremonial gallop sa kasiyahann ng madaming manonood.

At tulad ng inaasahan, ang nasabing 13-race card na tinampukan ng Presidential Gold Cup ay naghatid ng highest single day sales for the year na P31,642,563 at highest four-day week racing schedule sales na P89,031,316.

“Congratulations to the connections of Big Lagoon for winning this year’s edition of the Presidential Gold Cup. But moreso, I’d like to thank the racing aficionados who came to the track to show their support for their favorites, and also to those who went to the OTB’s,” pahayag ni Philracom Chairman Reli de Leon.