Mahigit 15k free Wi-Fi site bubuksan sa 2023

344 Views

TARGET ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na makapagbukas ng mahigit 15,000 free Wi-Fi site sa 2023.

Batay sa year-end report na isinumite ng DICT sa Malacañang, target ng ahensya na pagandahin ang digital infrastructure at investment promotion ng bansa.

Ngayong taon ay nakapagbukas ang DICT ng 4,757 live site.

Bilang bahagi ng Digital Cities Program, ang DICT ay magbubukas ng Information Technology and Business Process Management (IT-BPM) sa 31 siyudad hanggang sa 2025.

Plano rin ng DICT na tapusin ang Phase 1 ng Broadband ng Masa Luzon Bypass Infrastructure (LBI) Phase 1 sa susunod na taon at pagandahin ang satellite connectivity sa tulong ng Starlink at Satellite Systems Providers and/or Operators (SSPOs).