Phivolcs

Magnitude 5.1 lindol yumanig sa Leyte

208 Views

Isang lindol na may lakas na magnitude 5.1 ang yumanig sa Leyte gabi ng Linggo, Enero 15.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-8:28 ng gabi.

Ang epicenter ng lindol ay pitong kilometro sa silangan ng Leyte. Ito ay may lalim na tatlong kilometro.

Nagbabala ng mga aftershock ang PHIVOLCS.

Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na Intensity:

Intensity V – Capoocan, Kananga, at Leyte, Leyte

Intensity IV – Calubian, San Isidro, at Tabango, Leyte

Intensity III – Cabucgayan, Caibiran, Culaba, at Naval, Biliran; Alangalang,

Babatngon, Barugo, Carigara, Jaro, Tunga, at Villaba, Leyte; Ormoc City;

City of Tacloban

Intensity II – Almeria, Biliran; Matag-Ob at Santa Fe, Leyte

Instrumental Intensities:

Intensity V – Kananga, Leyte

Intensity IV – Calubian, at Carigara, Leyte

Intensity III – Alangalang, Leyte; Ormoc City

Intensity II – Albuera, Leyte

Intensity I – City of Bogo, Cebu; City of Borongan, Eastern Samar