NDRRMC

Nasawi sa patuloy na pag-ulan umakyat sa 20

71 Views

UMAKYAT sa 20 ang bilang ng mga nasawi sa patuloy na pag-ulan dulot ng low pressure area, hanging Amihan, at shear line simula noong Enero 1.

Sa naturang bilang, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 10 ang kumpirmado na at ang nalalabi ay sumasailalim pa sa validation.

Lima sa mga nasawi ay sa Region V, anim sa Region VIII, tig-apat sa Region IX at X at isa sa Region XI.

Batay sa datos ng NDRRM, 343 lugar ang binaha sanhi ng masamang panahon. Apektado naman dito ang 133,258 pamilya kung saan 15,447 ang kinailangang ilikas sa mga evacuation center.