PCSO

Taga-Gen Trias nanalo ng P23.9M sa Super Lotto

109 Views

Isang residente ng General Trias sa Cavite ang nanalo ng P23.97 milyong jackpot prize sa Super Lotto 6/49.

Kinuha na ng nanalo ang kanyang premyo sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Mandaluyong City.

Ayon sa nanalo ang lumabas na kumbinasyong 03-24-07-41-11-16 sa bola noong Disyembre 22, 2022 ay mula sa kaarawan at edad ng kanyang mga mahal sa buhay.

Inamin ng nanalo na may pagkakataon na nagdududa siya kung mayroong nananalo sa lotto at ngayon ay napatunayan umano nito na totoo na may tumatama ng jackpot prize.

Sinabi ng nanalo na bibili ito ng sapatos na kumportable sa paa para sa kanyang pagtatrabaho sa daycare center.