PCG

10 crew nailigtas ng PCG sa lumubog na bangka

110 Views

Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 10 crew ng lumubog na bangka sa Sulu.

Ayon sa ulat ng PCG, lumubog ang MV Melyn Express sa karagatang sakop ng Tanjung Pier, Barangay Kajatian, Indanan, Sulu, noong Enero 16.

Sinabi ng kapitan ng bangka na si Muntasir Karanain na galing sila ng Malaysia at patungo sa Jolo-Sulu.

Nang malapit na pantalan ay sumayad umano ang bangka sa mababaw na bahagi kata nabutas ito at pinasok ng tubig.