Pangandaman

DBM: Pondo para sa 8 paliparan tiniyak

221 Views

TINIYAK ng Department of Budget and Management (DBM) na mayroong pondo na nakalaan ngayong taon para sa walong paliparan.

Ang mga paliparang ito ay ang Laoag International Airport (P785 milyon), Tacloban Airport (P1.420 bilyon), Antique Airport (P500 milyon), Bukidnon Airport (P80 milyon), Ninoy Aquino International Airport (P43 milyon), New Zamboanga International Airport (P200 milyon), Vigan Airport (P50 milyon), at M’lang Airport (P15 milyon).

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman ang paglalagak ng pondo sa mga nabanggit na paliparan ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagandahin ang mobility at connectivity sa bansa.

“This budgetary allocation seeks to support the construction, rehabilitation, and improvement of the country’s transportation infrastructure, particularly in the aviation sector. This is in line with the mandate of President Bongbong Marcos to put prime importance in enhancing our country’s transportation system,” sabi ni Pangandaman.

Nauna ng sinabi ni Pangulong Marcos na tututukan ng kanyang administrasyon ang pagpapaganda ang public transport system.