Calendar
DOTr: NLEX España Connector bubuksan sa Marso 27
MAGAGAMIT na ng mga motorista ang España section of the North-Luzon Expressway (NLEX) Connector sa Marso 27, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista ang unang limang kilometro ng NLEX Connector España section ay 98 porsyento ng tapos.
Inaasahan na 35,000 pasahero ang gagamit nito araw-araw kaya makatutulong sa pagluwag ng daloy ng trapiko.
“Very important ‘to sa ating mga mananakay. It will result to easing of traffic and because of that, magkakaroon ang mga mananakay ng mas time sa kanilang pamilya,” sabi ni Bautista.
Pinangunahan ni Bautista ang inspeksyon ng NLEX Connector España Segment sa NLEX Caloocan Interchange.
Nakasama ni Bautista sa inspeksyon sina Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan, Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) president at CEO Rodrigo Franco, at NLEX Corp. president and J. Luigi Bautista.