DENR

Top tourist destination, isinarado; LGU nanawagan sa DENR na bawiinMOA na pinasok sa pribadong kumpanya

265 Views

ISANG top tourist destination sa Nueva Ecija ang ipinasarado ng mga lokal na opisyal dahil sa paglabag umano sa environmental laws.

Kasabay nito, nanawagan rin ang mga local officials ng naturang lalawigan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bawiin ang kasunduang pinasok nito sa isang pribadong kumpanya na nag-o-operate ng Minalungao National Park.

Sa tatlong pahinang apela sa DENR, sinabi ni General Tinio Municipal Mayor Isidro Pajarillaga na corporation na siyang nag-o-operate sa Minalungao National park, ay walang mga kaukulang business permits, kabilang na ang building at occupancy permits.

Tinukoy rin ng lokal na opisyal na ilang natural rock formations sa loob ng parke ang inalis ng kumpanya upang bigyang-daan ang kanilang infrastructure projects, na malinaw anila na pagsira sa protected areas sa park na matatagpuan sa General Tinio, Nueva Ecija at isang popular tourist spot sa Central Luzon region.

Noong 2003, ang DENR, na kinatawan ni Protected Area management Board (PAMB) chairman at Regional Executive director Regidor De Leon, ay lumagda ng memorandum of agreement (MOA) kasama ang Vice President for operations ng nasabing corporasyon upang ipreserba, i-develop, i-operate at i-manage ang recreational park sa loob ng 25-taon.

“However, with the agreement, the company immediately initiated infrastructure projects within the tourist spot, constructing hotel, view decks, pathways and other buildings that were not coordinated with the local officials of General Tinio,” bahagi ng liham.

Sa pagtaya ng mga lokal na opisyal, mahigit sa 10,000 local at foreign visitors ang araw-araw na nagtutungo sa parke, na tinatayang nasa 116 kilometro sa northeast ng Metro Manila.

“Because of its proximity to the National Capital Region and unique landscape it became a haven for travelers who want to enjoy the stunning beauty of nature. Minalungao National Park is a three to four hours drive from Manila and it’s a cheap destination for a summer getaway,” anang LGU.

Samantala, tiniyak naman ni DENR officer Artemio Almazar na rerebyuhin nito ang kasunduan at siniguro sa mga lokal na opisyal ng General Tinio na bubusisiin nila ang hinaing ng mga ito hinggil sa pagkabigo umanoong tumalima sa environmental laws.