Calendar
eCongress tugon ng Kongreso sa panawagang digitalization ni PBBM
ANG pagtatayo ng integrated digital legislative management system ng Kongreso ang tugon nito sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mag-digitalize upang maging mabilis ang mga proseso ng gobyerno.
Sa kanyang mensahe sa paglulungsad ng eCongress, sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na layunin ng digital platform na ito na hikayatin ang publiko na makilahok sa paggawa ng batas.
“It is our vision to make eCongress a key contributor in modernizing our core legislative processes towards a people-centered legislative governance and in enhancing our adherence to the democratic principles of transparency, accountability, and responsiveness,” sabi ni Romualdez sa mensahe na binasa ni dating Pangulo at ngayon ay Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo.
Sinabi ni Speaker Romualdez na sa unang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 2022 ay binanggit ng Pangulo ang pangangailangan na mag-digitalize upang maging mabilis ang palitan ng mga impormasyon ng iba’t ibang ahensya.
“In response to this call, the House of Representatives, along with the Senate, now jointly establish and maintain an integrated and secure digital legislative management system for the Congress of the Philippines,” ani Speaker Romualdez.
Sa pamamagitan ng eCongress ay mas mabilis na malalaman ng publiko ang mga panukalang batas at mga resolusyon na tinatalakay sa dalawang kapulungan at mahihimok ang publiko na makilahok sa paggawa ng batas.
“To carry out this crucial role, it is imperative that both houses of Congress exercise constant collaboration, coordination, and sharing of information towards people-centered legislative governance,” sabi pa ni Speaker Romualdez.
Pinasalamatan ni Speaker Romualdez ang mga kawani ng Kamara at Senado na nagtulong-tulong sa pagbuo ng eCongress.