Madrona

House body on tourism ikinagalak 1M int’l turista na bumisita sa PH

Mar Rodriguez Mar 19, 2023
183 Views
Frasco
Department of Tourism Christina Garcia Frasco

NAGPAHAYAG nang labis na kagalagan ang House Committee on Tourism patungkol sa naging pahayag ni Department of Tourism (DOT) Secretary Maria Christina Garcia Frasco na tinatayang isang milyong international tourist ang pumasok sa Pilipinas sa unang tatlong buwan ng 2023.

Sinabi ni Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairman ng House Committee on Tourism, na napakagandang senyales ang pagdagsa ng mga international tourist sa Pilipinas na nangangahulugan lamang na bumabalik na sa normal ang Philippine Tourism.

Ikinatuwiran ni Madrona na inaasahan na mas lalo pa aniyang madadagdagan ang bilang ng mga dayuhang turista na bibisita sa bansa sa pagpasok ng “Holy Week” o Semana Santa dahil naging tradisyon na ang pagtungo sa iba’t-ibang lalawigan at tourist destinations para magbakasyon.

Binigyang diin ni Madrona na sa kabila ng pananatili ng banta ng COVID-19 virus sa Pilipinas. Hindi pa rin kayang pigilan ng pandemiya ang pagdagsa ng mga dayuhang turista sa Pilipinas.

Bunsod narin ng pagsisikap ng DOT na i-promote ang turismo ng bansa sa international community.

Nauna rito, inihayag ni Secretary Frasco na nasa 1,152,590 ang bilang ng mga international travelers na bumisita sa bansa sa loob ng unang tatlong buwan ng kasalukuyang taon hanggang Marso 15. Kung saan, sinabi ni Frasco na unti-unti ng nakaka-recover ang turismo ng Pilipinas.

Dahil sa magandang performance ni Frasco bilang Kalihim ng Tourism Department, magugunitang isinulong ni Madrona ang House Resolution No. 810 na nagpapa-abot ng isang “collective support” sa DOT sa ilalim ng pamumuno ni Frasco dahil sa mahusay na pamamalakad nito sa nasabing ahensiya.

Kaugnay nito, naging panauhing pandangal si Madrona sa idinaos na National Tourism Development Plan 2023-2028, isang Tourism Stakeholder’s National Summit. Sinabi ng kongresista sa kaniyang talumpati na naging “globaly competitive na ang Pilipinas sa larangan ng turismo.