Barbers

Kongresista iginiit na palalimin imbestigasyon vs Mayo

Mar Rodriguez Mar 27, 2023
175 Views

IGINIGIIT ng isang Mindanao congressman sa liderato ng Philippine National Police (PNP) na dapat mas lalo pa nitong palalimin at kung kinakailangan ay halukayin nitong mabuti para mahubaran ng maskara kung sino-sino ang mga umano’y kasabwat at financiers ni Police Sgt. Rodolfo Mayo Jr.

Binigyang diin ni Surigao del Norte 2nd Dist. Congressman Robert Ace Barbers, Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na kailangan pabilisin din ng PNP leadership ang kanilang on-going investigation sa kaso ni Mayo na nasangkot sa pag-iingat ng nakumpiskang illegal na droga.

Nauna rito, nakaladkad ang pangalan ni Sgt. Mayo, isang PNP intelligence officer, matapos itong masangkot sa pag-iingat o “storage” ng tone-toneladang shabu na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon noong nakaraang taon.

Dahil dito, naniniwala si Barbers na imposibleng kikilos si Sgt. Mayo ng siya lamang at wala siyang ibang kasabwat. Kaya kinakailangang malaman kung sino-sino ang mga kakutsaba ng nasabing pulis at kung sino naman ang nagsisilbing financiers nito dahil sa volume o dami ng mga nakumpiskang shabu.

Nadismaya din ang kongresista sapagkat ang kasalukuyang imbestigasyon ng PNP Special Investigation Task Group (SITG) ay wala pang nailalabas na matibay na ebidenisya laban sa kaso ni Sgt. Mayo.

“The current investigations being conducted by the PNP Special Investigation Task Group (SITG) created for the purpose have not come out with any substantial evidence or leads on Mayo’s case six months after he was arrested,” ayon kay Barbers.

Sinabi pa ni Barbers na ang mistulang pawardi-wardi ng PNP sa kanilang pagsisiyasat laban kay Sgt. Mayo ay nangangahulugan ban a mayroon silang pinagtatakpan o pino-protektahan.

­­­­­­­­­­­­­­­­­­­