Calendar
Speaker Romualdez pinuri kahanga-hangang takbo ng ekonomiya
PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kahanga-hangang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas, batay sa ulat ng World Bank kung saan sinabi na pumapasok na ito sa “breakthrough era” na inaasahang magtutuloy-tuloy sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“The World Bank’s latest forecast is more than just good news—it is a clear validation that our country is moving in the right direction. We are no longer just recovering. We are rising. We are breaking through,” ani Romualdez.
Ayon sa Economic Update ng World Bank ngayong Hunyo 2025, pumangalawa ang Pilipinas sa may pinakamabilis na paglago ng ekonomiya sa Southeast Asia, na nagtala ng matatag na 5.6% GDP growth noong 2024, na may positibong projection hanggang 2027. Tanging Vietnam lamang ang mas mataas ang ranking sa rehiyon.
Binigyang-diin ni Romualdez na dapat sukatin ang paglago hindi lang sa datos ng ekonomiya, kundi sa kung paano nito naiaangat ang araw-araw na buhay ng mga Pilipino.
“Ang ibig sabihin ng breakthrough na ito: mas maraming trabaho para sa ating manggagawa, mas mataas ang kita ng maliliit na negosyo, mas maraming oportunidad para sa mga estudyante at kabataan, at mas magaan ang buhay para sa bawat pamilyang Pilipino,” ani ng Speaker.
Pinuri niya ang Bagong Pilipinas agenda ng administrasyon, katuwang ang isang maagap at repormistang Kongreso, sa pagbibigay ng pundasyon sa pamamagitan ng mga estratehikong reporma sa polisiya at pamumuhunan sa tao.
Ipinunto ni Romualdez ang mahalagang papel ng Kamara de Representantes sa pagsusulong ng mga batas na nagtulak ng paglago:
Mga reporma sa Ease of Doing Business upang suportahan ang MSMEs at mga tagalikha ng trabaho
Malawakang pondo para sa imprastraktura upang palakasin ang konektibidad at logistics sa buong bansa
Pinalawak na suporta para sa mga magsasaka, mangingisda, at mga rural na negosyo
Mga polisiya para sa digital transformation upang mapunan ang agwat sa pag-unlad ng urban at rural
Mga batas para sa edukasyon, serbisyong pangkalusugan, at social protection upang palakasin ang human capital sa pangmatagalan
“We are not just growing fast—we are growing right. Congress made sure our laws open doors for ordinary Filipinos, not just the elite. That is the breakthrough we fought for,” pahayag ni Romualdez.
Idinagdag pa ng Speaker na ang kasalukuyang direksiyon ng ekonomiya ng bansa ay nagpapahiwatig ng isang mahalagang pagbabago:
“We are entering a new phase—not defined by crisis, but by confidence and capability. From being vulnerable to shocks, we are now ready to compete, to expand, and to lift our people to new heights.”
Tiniyak din niya sa publiko na patuloy na isusulong ng Kamara ang mga makatao at pro-growth na panukalang batas na layuning bawasan ang hindi pagkakapantay-pantay, itaguyod ang social mobility, at bigyang-lakas ang mga pamilyang Pilipino.
“This breakthrough is not just for the few—it is for every Filipino who dreams of a better life. Sa Bagong Pilipinas, walang maiiwan. Sama-sama tayong aangat,” ani Romualdez.

