Barzaga

Barzaga: Dapat may managot sa trahedyang sinapit ng M/V Lady Mary Joy 3

Mar Rodriguez Apr 4, 2023
174 Views

IGINIGIIT nang isang Southern Tagalog congressman na hindi dapat magkibit balikat na lamang ang kinauukulan sapagkat kailangan mayroong managot at maparusahan sa pagkamatay ng 29 pasahero ng MV Lady Mary Joy 3 matapos itong masunog habang naglalayag sa karagatan ng Basilan.

Dahil dito, binigyang diin ni Cavite 4th Dist. Conressman Elpidio “Pidi” F. Barzaga, Jr. na kailangang magkaroon ng “accountability” at mabigyan ng katarungan ang sinapit ng 29 pasahero ng MV Lady Mary Joy 3.

Sinabi ni Barzaga na bunsod ng panibagong trahedya sa karagatan. Mistulang hindi natututo ang kinauukulan dahil parang binabalewala lamang ng MARINA at Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang tungkulin na siguraduhing ligtas ang mga barkong naglalayag sa mga karagatan.

Ipinaliwanag ni Barzaga na ang ganitong kapabayaan ay kinakailangang aksiyunan ng MARINA at PCG para papanagutin at kasuhan ang sinomang tauhan ng MV Lady Mary Joy na hindi ginawa ang kanilang tungkulin na gawing ligtas ang kanilang barko para sa kapakanan ng kanilang mga pasahero.

“We have not learned anything? What is MARINA and the Philippine Coast Guard (PCG) doing now? Those have been negligent should be held accountable for this accident because it could have been avoided if only they are doing their jobs,” ayon kay Barzaga.

Idinagdag pa ng mambabatas na maging ang PCG at Maritime Industry Authority (MARINA) ay kinakailangan magbigay din ng kanilang paliwanag kung ang nasabing barko ay nagkaroon ng “overloading” sapagkat ito ang kadalasang kaso ng mga nangyayaring “maritime accidents”.

Ikinatuwiran din ni Barzaga na noong 2008 ay nagkaroon ng imbestigasyon ang Kongreso sa pamamagitan ng House Committee on Transportation hinggil sa paglubog ng MV Princess of the Star na ikinamatay ng 800 pasahero at ngayon naman ay ang kasalukuyang trahedya sa Basilan.