PAGASA

Pinakamataas na heat index naitala sa Butuan City

177 Views

NAITALA ang pinakamataas na heat index sa Butuan City, Agusan del Norte ngayong Biyernes, Abril 21.

Umabot ito sa 48°C na siyang pinakamainit ngayong taon.

Tinalo nito ang 47°C na naitala sa San Jose, Occidental Mindoro noong marso 25.

Ang heat index o human discomfort index ang init na nararamdaman ng tao.

Itinuturing na “dangerous” ang heat index na 42°C hanggang 51°C na maaari ng makapagdulot ng heat cramps at heat exhaustion. Ang patuloy umanong pananatili sa initan ay maaaring magdulot ng heat stroke.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), 13 lugar sa bansa ang nakapagtala ng “dangerous” heat index ngayong Abril 21.

Ito ang Baler, Aurora (43°C); Catarman, Northern Samar (44°C); CLSU Muñoz, Nueva Ecija (42°C); Dagupan City, Pangasinan (43°C); Davao City, Davao Del Sur (42°C); Iba Zambales (43°C); Legazpi, Albay (47°C); Maasin, Southern Leyte (42°C); Masbate City, Masbate (42°C), NAIA Pasay City, Metro Manila (43°C), Tacloban City, Leyte (42°C); Tayabas City, Quezon (42°C); at Virac, Catanduanes (44°C).