Phivolcs

DavOcc niyanig ng magnitude 5.8 lindol

87 Views

ISANG lindol na may lakas na magnitude 5.8 ang yumanig sa Davao Occidental gabi ng Biyernes, Abril 21.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-6:21 ng gabi.

Ang epicenter ng lindol ay 292 kilometro sa silangan ng Balut Island na sakop ng bayan ng Sarangani. May lalim itong 151 kilometro.

Nagbabala ang PHIVOLCS na maaaring magkaroon ng aftershock ang pagyanig na ito.