BBM

Pagbibitiw ni Paulino bilang SBMA chair tinanggap ni PBBM

135 Views

TINANGGAP na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw ni Rolen C. Paulino bilang chairman at administrator ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Sumulat si Paulino noong Marso 31 upang ipaalam ang kanyang pagnanais na umalis sa puwesto na kanyang inuukupa noong Marso 2022 matapos italaga ng noon ay Pangulong Rodrigo Duterte.

Isang sulat na may petsang Abril 13 ang ipinalabas ni Executive Secretary Lucas Bersamin dalawang araw bago naging epektibo ang pagbibitiw.

Inanunsyo ni Paulino na bababa na ito sa puwesto noong Abril 4.