Frasco

Mag-asawang Frasco magkaakibat sa pagsusulong ng Philippine tourism

Mar Rodriguez May 21, 2023
285 Views

MISTULANG magka-akibat ang mag-asawang Frasco para sa promosyon at pagpapalakas ng Philippine tourism matapos ihain ni House Deputy Speaker Cebu City 5th Dist. Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang panukalang batas na sumusuporta sa adhikain ng Department of Tourism (DOT).

Bilang suporta sa pagsisikap ng kaniyang kabiyak na si Department of Tourism (DOT) Secretary Maria Christina Garcia Frasco upang isulong ang turismo sa bansa, inihain ni Rep. Frasco ang House Bill No. 106 para maideklara ang Santiago Public Beach sa Cebu bilang tourist destination.

Ipinaliwanag ng kongresista na layunin ng kaniyang panukala na lalo pang madagdagan ang mga tourist destination sa Pilipinas. Kung saan, ang malimit na dinadayong tourist attraction ay ang mga magaganda, nakaka-akit o nakakahalinang beach resorts katulad ng Boracay Island.

Ipinaliwanag ni Frasco na nakasaad din sa Republic Act No. 9603 o ang Tourism Act of 2009 na ang turismo ng bansa ay itinuturing na “indispensable” at walang kahalintulad na element para sa national economy na magbibigay ng malaking kita sa kaban ng pamahalaan at pagkakaroon ng maraming trabaho.

Sinabi ni Frasco na ang bayan ng San Francisco kung saan matatagpuan ang Santiago Beach Resort ay itinuturing na “third class municipality” sa lalawigan ng Cebu na sagana sa tubig at iba’t-ibang fishery resources na siyang pangunahing hanap buhay ng 59,236 residente nito.

Naniniwala si Frasco na malaki ang maitutulong ng kaniyang panukalang batas (HB No. 106) para sa Tourism Department na toto ang pagsisikap sa ipakilala ang Pilipinas sa iba’t-ibang panig ng mundo sa larangan ng turismo.

Ayon sa kongresista, sakaling maging ganap na batas ang HB No. 106. Ang mga turistang maaakit na magpunta sa Santiago Public Beah ang magiging karagdagang “major source of income” ng Cebu at national government sapagkat hindi lamang lokal na turista ang magpupunta dito kundi pati ang mga dayuhan.