Kuwento ng mga kabit, babaeng bayaran
Nov 23, 2024
Kathryn tumanggag ng award sa LA
Nov 23, 2024
Calendar
Nation
Herbosa bagong kalihim ng DOH
Peoples Taliba Editor
Jun 6, 2023
157
Views
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Dr. Teodoro J. Herbosa bilang kalihim ng Department of Health (DOH).
Si Herbosa ay nagtapos ng medical degree sa University of the Philippines Manila at mayroong Bachelor’s degree in Biology sa University of the Philippines Diliman.
Siya ay mayroong International Diploma Course in Emergency and Crisis Management mula sa University of Geneva at Postgraduate Studies in Medicine mula sa Sackler Faculty of Medicine, Tel Aviv University.
Si Herbosa ay nagsilbing Undersecretary ng DOH mula 2010 hanggang 2015.
Sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic, si Herbosa ay nagsilbing Special Adviser ng National Task Force Against Covid-19.
Paglipat sa kulungan ni Lopez kagagawan ni VP Sara
Nov 23, 2024