Lotilla

Target ng DOE: Lahat ng gov’t vehicles sa 2030 electric na

141 Views

TARGET ng Department of Energy (DOE) na maging electric na ang lahat ng sasakyan ng gobyerno sa taong 2030.

Ayon sa Comprehensive Road Map for the Electric Vehicle Industry ng DOE sa taong 2040, ang lahat ng sasakyan sa Pilipinas ay electric na.

Kamakailan ay inilungsad ng DOE ang kauna-unahang electronic bus (e-buses) sa bansa.

Ito ay mayroong 47 upuan at nagkakahalaga ng P29 milyon kasama na ang charging station. Ang presyo nito ay halos doble ng isang bus na tumatakbo sa diesel.

Ayon kay DOE Secretary Raphael Lotilla nagpalabas na ang Department of Budget and Management ng isang circular upang pasabihan ang mga lokal na pamahalaan na maaari silang bumili ng e-bus gamit ang kanilang pondo.

Upang dumami ang gumagawa at nagbebenta ng electric vehicle sa bansa ay nagbibigay ng insentibo ang gobyerno.