MRT3

LRT, MRT may libreng sakay sa Araw ng Kalayaan

109 Views

MAGBIBIGAY ng libreng sakay ang Light Rail Transit Line 1 at 2, at Metro Rail Transit Line 3 sa Hunyo 12, Araw ng Kalayaan.

Ang libreng sakay ay mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Wala namang biyahe ang mga bangka ng Pasig River Ferry Service at magbabalik ang normal na operasyon nito sa Hunyo 13.