Calendar
Mga pasahero ng MRT-3 walang dapat ipangamba sa nakitang bitak sa istasyon
PINAWI ng Department of Transportation (DOTr) ang pangamba kaugnay ng bitak na napansin sa istasyon ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) matapos ang magnitude 6.3 lindol na yumanig sa malaking bahagi ng Luzon.
Ayon kay DoTr Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino nagsagawa ng inspeksyon sa mga tauhan ng MRT-3 sa Boni Station at Ayala Station. Hindi umano makakaapekto ang mga bitak sa operasyon ng tren.
“As a safety protocol, since cracks were observed, I directed the MRT-3 operations, maintenance, and engineering personnel together with Oriental Consultants Global, the MRT-3’s consultant, to conduct an in-depth inspection,” sabi ni Aquino.
Nagbalik operasyon na ang MRT-3 at iba pang railway system sa Metro Manila matapos ang isinagawang pagsusuri at matiyak na hindi ito naapektuhan ng lindol.