Calendar
Hoarding sanhi ng pagtaas ng presyo ng sibuyas- PBBM
ITINURO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang hoarding na sanhi ng pagtaas ng presyo ng sibuyas sa unang bahagi ng taon.
Ayon sa Pangulo kinontrol ng sindikato maging ang mga cold storage facility upang hindi ito magamit ng ibang producer.
“I think maliwanag na maliwanag na sa ating lahat na ‘yung pagtaas ng presyo by 87% noong nakaraang… Enero, Pebrero, walang dahilan ’yun. Kumpleto ang onion natin dito. Nagho-hoard lang talaga at iniipit ang presyo,” ani Pangulong Marcos.
“Tapos ‘yung cold storage ay hindi pinapagamit sa iba para ‘yung kontrolado lang… ‘Yung mga sindikato, ‘yung kontrolado lang nila na onion, ‘yun lang ang puwedeng aabot sa palengke,” sabi pa ng Pangulo.
Umakyat ng hanggang P700 ang kada kilo ng sibuyas.
Sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food ay natukoy ang mga personalidad na umano’y nagsabwatan para makontrol ang presyo ng sibuyas.