Marianito Augustin

10,000 OFWs sa Russia ikinababahala na baka maipit sa kaguluhan

173 Views

IKINABABAHALA ni OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino ang magiging kalagayan ng nasa sampung libong OFWs sa Russia matapos sumiklab sa bansang ito ang kaguluhan o tensiyon.

Nababahala kasi si Congresswoman Magsino na baka maipit sa kaguluhan ang mga kaawa-awang OFWs sakaling tuluyang sumiklab ang tensiyon sa Rusia makaraang maglunsad ng pag-aalsa ang paramilitary na Wagner Group.

Bagama’t kalmado na sa kasalukuyan ang sitwasyon sa Russia, hindi pa rin mapakali ang butihing kongresista ng OFW Party List Group. Sapagkat hindi natin masasabi kung ano ang tumatakbo sa isip ng Wagner Group at maaaring bigla na lamang silang “baltikin” at ituloy nila ang kanilang pag-aalsa.

Ang grupong iyan ay armado (Wagner Group), hindi lamang bastado armado kundi armado ng matataas na kalibre ng baril. Papaano kung bigla na lamang silang topakin o kaya naman ay biglang lumuwag ang tornilyo sa kanilang utak. Papaano na ang mangyayari sa ating mga OFWs?

Marahil ang iniisip ni Congresswoman Magsino ay malaking problema problema para sa pamahalaang Pilipinas sakaling tuluyan ng magka-gulo sa Russia. Gaya ng dati, ang immediate action na gagawin natin ay ang paglilikas saa 10,000 OFWs. Problema parin kasi pagdating nila dito ay wala silang trabaho.

Kaya naiintindihan ko ang hirap na pinagdadaanan ni Congresswoman Magsino pagdating sa mga ganitong sitwasyon sapagkat hindi biro ang gagawing repatriation dahil ang nakataya dito ay ang kabuhayan ng 10,000 OFWs sa Russia. Problema iyan dahil wala naman silang ibang resources dito sa Pilipinas.

Kaya ang tanging magagawa na lamang natin ay ang ipagdasal si Congresswoman Magsino upang gabayan siya ng Diyos sa kaniyang tungkulin bilang kinatawan ng OFW Party List Group at nawa’y marami pang OFWs ang kaniyang matulungan.

Isasagawang mass layoff ng GRAB Philippine, kinondina ni Manila Cong. Rolando Valeriano

MARIING kinondina ni Manila 2nd Dist. Congressman Rolando M. Valeriano, Chairperson ng House Committee on Metro Manila Development ang napabalitang isasagawang mass layoff ng GRAB Philippines sa tinatayang 1,000 empleyado nito na tinawag niyang walang pakundangan at walang habas.

Bagama’t ito’y isang management decision, subalit nakikita ni Congressman Valeriano na parang hindi yata ito tama kasi ano na lamang ang mangyayari sa 1,000 empleyado ng GRAB Philippines na mawawalan ng trabaho? Hindi naman iyan parang nagtanggal ka lang ng balbas o kaya naman ay nag-alis ka ng kulangot.

Para kay Valeriano, naisip kaya ng GRAB Philippines kung ano ang mangyayari sa kanilang 1,000 empleyado sakaling tuluyan na silang mawalan ng trabaho o hanap buhay? Sa kanila ay walang problema dahil marami silang pera, ngunit iyong mga tauhan nila. Saan ngayon sila kukuha ng panggastos nila?

Naniniwala din ang butihing kongresista na mistulang nagte-tengang kawali at dine-dedma lamang ng nasabing kompanya ang mga batas ng Pilipinas o Philippine law sapagkat makailang ulit na aniya itong na-penalize o pinatawan ng parusa ng Philippine Competition Commission (PCC).

Ang nakakarindi dito, ang sabi ni Congressman Valeriano ay patuloy parin umano ang GRAB Philippines sa mga walang pakundangang mga gawain nito kabilang na dito ang napaulat na isasagawa nitong mass layoff na inaasahang makaka-apekto sa 10,000 empleyado na mawawalan ng trabaho.

Aminado siya na bagama’t prerogative at management decision ang gagawing mass layoff ng naturang kompanya. Subalit kinakailangan parin silang balaan sa magiging epekto nito sa kabuhayan at kapakanan ng napakaraming empleyado na matatanggal sa kanilang trabaho.

Ipinaliwanag din ni Valeriano na patuloy na sinisilip at binubusisi ng kaniyang Komite ang iba pang violations o paglabag ng GRAB Philippines kasama na sa kanilang sinisiyasat ay ang “price surging” o masyadong mataas na paniningil ng pamasahe sa kanilang mga costumers.