Calendar
Wonder Boy Martin sasagupa sa Tanzanian fighter
MULING sasabak sa aksyon si WBA Asia super bantamweight champion Carl Jammes “Wonder Boy” Martin laban kay Oscar Duge ng Tanzania sa Aug. 19 sa Mandaluyong City College gym sa Mandaluyong City.
Matapos ang halos walong buwan na pahinga, ang 24-year-old pride ng Lagawe, Ifugao ay susubok na maipagpatuloy ang kanyang winning streak laban kay Duge sa harap ng inaasahang standing-room only home crowd.
“I was inactive for about a year during the pandemic and I struggled a bit. Looking back, I learned a lot from that inactivity and I hope to make the necessary adjustments this time,” pahayag ni Martin, na hindi pa natatalo sa kanyang 21 na laban.
Ito ang unang laban ni Martin matapos ang impresibong second-round knockout na panalo laban kay Komgrich Nantapech ng Thailand sa Baguio City noong nakalipas na taon.
Na-improve din niya ang kanyang record sa 21-0, kabilang ang 17 knockouts.
Si Martin ay kasalukuyang No. 4 sa IBF at No. 9 sa WBO bilang super bantamweight. Siya din ang IBF Pan Pacific champion and dating kampeon sa WBA Asia at WBO Oriental Youth.
Subalit matindi din ang haharaping kalaban ni Martin.
Si Duge, na kilala sa kanyang tibay at galing, ay may tangang 11-5-2 record, kabilang ang four knockouts.
Hindi pa din siya matatalo ng knockout loss.
“Martin better be ready as I will aim for his world rankings. This is my chance. This is for my family. This is for Tanzania,” sabi ng 26-year’old na si Duge sa kanyang pagdalo via zoom sa isang Philippine sports radio show.