Martin Martin: Bida uli.

Wonder Boy Martin nagbida

Robert Andaya Aug 20, 2023
304 Views

WALA pa ding tatalo kay Carl Jammes Martin.

Bahagya lamang pinag-pawisan si Martin, na mas lalong kilala sa tawag na “Wonder Boy”, bago iginupo ang katunggaling si Oscar Duge ng Tanzania sa kanilang 10-round na enkuwentro sa Sucat, Parañaque nitong Sabado.

Ang 24-year-old na si Martin, na halos walong buwan ding nabakante sa boxing ring, ay walang alinlangan na nanalo sa iskor na 99-91, 99-91, at 98-92.

“I really tried to go for a knockout but he was quite good with his counter shots so I had to be wary about it and be defensive from time to time,” pahayag ni Martin, na mula sa Hingyon, Ifugao

Dahil sa panalo, itinaas ni Martin ang kanyang record sa 22-0, kabilang ang 17 knockouts

Ang 26-year-old na si Duge, na hindi pa nakalasap ng knockout defeat sa kanyang seven-year career, ay bumaba naman sa 11-6-2 kartada

Umaasa ngayon si Martin, na kasalukuyang No. 4 sa International Boxing Federation (IBF) super bantamweight rankings at No. 8 sa World Boxing Organization (WBO), na makakakuha pa ng mga mas magaganda at malalaking laban tungo sa hangad na world title sa darating na taon.