Tapales

Tapales-Jankaew undercard inanunsyo

Ed Andaya May 8, 2024
99 Views

HINDI lamang ang pinakaaabangang sagupaan nina dating unified world champion Marlon Tapales at Nattapong Jankaew para sa WBC Asia super bantamweight crown sa May 10 sa Midas Hotel and Casino ang inaasahang magpapa-init ng gabi kundi pati na din ang iba pang mga enkuwentro.

Inihayag na ng Sanman Boxing ang kumpletong undercard para sa darating na Tapales-Jankaewcshowdown.

Sa co-main event, haharapin ni Filipino sensation Reymart Gaballois ang tigasing Mexican fighter na si Kenbun Torres.

Ang nasabing mga undercard ay tatampukan din ng mga talentadong fighters mula sa iba’t ibang weight divisions:

Super Lightweight Bout–Yesimuhan Yeerken vs Raymond Yanong.

Super Bantamweight –Jesarial Ancajas vs Herovan Beltran.

Super Bantamweight– David Santisima vs Reynaldo Condes.

Flyweight — Abubakar Yanon vs Joshua Solos.

Super Featherweight –Bryan Ascano vs Alvin Medura.

Ang naturang boxing event ay itinataguyod ng Sanman Boxing sa pakikipagtulungan ng MP Promotions, Knucklehead Boxing, Viva Promotions, M&R Promotions at Zip Boxing.