Calendar
Perfect record itataya ni Laurente laban kay Marapu
MAGKAKASUBUKAN sina Criztian Pitt Laurente at dating WBC Asia champion Hebi Marapu sa gagawing pagtutuos para sa vacant IBF Pan Pacific lightweight championship sa August 31 sa Phela Grande Convention Center sa General Santos City,
Itataya ni Laurente ang kanyang perfect 14-0 win-loss record laban sa kapwa tigasing si Marapu, na may 19-2 card, para sa regional IBF belt sa blockbuster promotion na itinataguyod ng Sanman Boxing ni well-known matchmaker- promoter Jim Claude Manangquil.
Naniniwala si Laurente na naging maganda at makabuluhan ang kanyang paghahanda sa kanilang training camp, na kung saan naka-spar niya ang kapwa Pinoy fighter na si Marlon Tapales at mga top-rated Japanese boxers, gaya ni Naoya Inoue.
Bagamat hindi direktang nagbigay ng prediksyon patungkol sa laban, tiniyak ni Laurente na bibigyan niya ng magandang laban si Marapu.
“Ngayon pa lang nagpapasalamat ako sa aking lahat na fans and supporters. Pati na din sa Sanman Boxing at mga sponsors,” pahayag ni Laurente.
Kasama din sa nasabing blockbuster boxing promotion ng SanMan sina Reymart Gaballo, Jerald Into at Esneth Domingo,na haharap sa parehong magagaling na kalaban simula 4 p.m.
