Martin2

Speaker Romualdez nanawagang maging kalmado matapos manalasa ang super typhoon Egay

168 Views

NANAWAGAN si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na maging kalmado ang lahat matapos ang pananalasa ng super typhoon Egay sa hilagang bahagi ng Luzon.

Tiniyak ng lider ng 312 miyembro ng Kamara na kumikilos ang gobyerno para makapagpaabot ng tulong sa mga lubhang naapektuhan ng bagyo.

“President Marcos is doing everything he can to assist, help and provide assistance to Super Typhoon Egay victims. We want to make sure that at this time of extreme need, the people should feel that their government is with them,” ani Speaker Romualdez.

“We have already raised funds for relief, and we are trying to raise more. We expressed gratitude to all first responders. What is important is we help bring back the lives of victims to normalcy,” dagdag pa niya.

Bukas ay nakatakdang pumunta si Speaker Romualdez sa mga lugar na sinalanta ng bagyo para sumama sa isinasagawang relief operations. Siya ay kasalukuyang nasa Malaysia kasama ang Pangulo.

Sa pagtutulungan ng tanggapan nina Speaker Romualdez at Tingog party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre ay nakapangalap na ang P128.5 milyong halaga ng tulong para sa mga nasalanta.

“Special thanks also goes to the government officials, first responders and volunteers who are doing their best to respond to the disaster and save lives. Your volunteerism will not go unrecognized,” saad ni Speaker Romualdez.

“This is the same Bayanihan spirit that allowed Tacloban City and the Eastern seaboard to recover and bounce back from Super Typhoon Yolanda almost 10 years ago. Truly when we are united in our objectives, there is nothing we can’t do,” sabi naman ni Rep. Yedda Marie Romualdez

Sa P128.5 milyong halaga ng ayuda, P23.5 milyon ang nanggaling sa personal calamity fund ni Speaker Romualdez. Ito ay kontribusyon ng kanyang mga kaibigan na nalikom sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong nakaraang taon.

Ang nalalabing P105 milyon ay mula naman sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development sa pamumuno ni Sec. Rex Gatchalian.

Bago ito ay marami ng relief drive at AICS pay-out na isinagawa ang Speaker’s Office at Tingog para sa mga biktima ng bagyo, sunog at iba pang kalamidad.

Nahati ang P128.5 milyong tulong sa mga sumusunod na lugar:

1. Ilocos Norte, 1st District (kinakatawan ni Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander A. Marcos): P1 milyong cash assistance, P2 milyong halaga ng relief goods (5,000 packs), at P10 milyong halaga ng AICS.

2. Ilocos Sur, 2nd District (Deputy Speaker Kristine Singson-Meehan): P1 milyong cash assistance, P2 milyong halaga ng relief goods (5,000 packs), at P10 milyong AICS.

3. Cagayan, 1st District (Rep. Ramon C. Nolasco Jr.): P2 milyong cash assistance, P4 milyong halaga ng relief goods (10,000 packs), at P20 milyong AICS.

4. Cagayan, 2nd District (Rep. Baby Aline Vargas-Alfonso): P1 milyong cash assistance, P4 milyong halaga ng relief goods (10,000 food packs), at P20 milyong AICS.

5. Ilocos Sur, 1st District (Rep. Ronald V. Singson): P5 milyong AICS.

6. Cagayan, 3rd District (Rep. Joseph “Jojo” L. Lara): P1 milyong cash assistance, P1 milyong halaga ng relief goods (2,500 food packs), at P10 milyong AICS.

7. Benguet, Lone District (Rep. Eric Go Yap): P10 milyong AICS, P500,000 cash assistance, at P1 milyong halaga ng relief goods (2,500 food packs).

8. Baguio City (Rep. Mark O. Go): P500,000 cash assistance, P1 milyong halaga ng relief goods (2,500 food packs), at P10 milyong AICS.

9. Baguio City Mayor Benjamin “Benjie” B. Magalong: P500,000 cash assistance, P1 milyong halaga ng relief goods (1,250 food packs), at P10 milyong AICS.