Calendar
Provincial
Bangka tumaob, 4 PCG rescuer nawawala
Peoples Taliba Editor
Jul 27, 2023
583
Views
Naglungsad ng search and rescue (SAR) operation ang Philippine Coast Guard (PCG) upang mahanap ang apat na tauhan nito na lulan ng tumaob na bangka sa katubigang sakop ng Aparri, Cagayan hapon ng Hulyo 26.
Ayon sa PC, papunta ang apat na tauhan nito sa M/Tug Iroquis upang sagipin ang pitong tripulante nang tumaob umano ang kanilang sinasakyang aluminum na bangka dahil sa malakas na hangin at malalaking alon na epekto ng bagyong Egay.
Nagsagawa ng SAR operation kaninang umaga ngunit pansamantala itong itinigil dahil sa sama ng panahon.
Magpadala rin ng helicopter ang Coast Guard Aviation Force (CGAF) para makatulong sa paghahanap.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

