Calendar
Bistek gustong tulungan ang entertainment industry sa pamamagitan ng tax relief
NAIS ipaglaban ni Senatorial candidate Herbert “Bistek” Bautista ang isang tax relief program para sa entertainment industry, bilang suporta sa mga entertainer na nawalan ng kita sa panahon ng pandemya.
“What we can do in the short term maybe is to lower their taxes or even waive it,” ani Bautista, isang aktor, sa isang forum para sa senatorial candidates sa CNN Philippines.
Ayon sa kanya, maraming bars and comedy clubs ang nagsara dahil sa pandemya nang maghigpit ang pamahalaan at ipatupad ang mga health protocol na may kinalaman sa social distancing.
Nakikipag-usap na siya sa ilang mambabatas para sa panukalang Creative Industries Act, na maghahatid ng pang matagalang benepisyo para sa Philippine entertainment industry.
Sinabing niyang bagama’t may mga tulong para sa mga performer na nawalan ng hanapbuhay sa ilalim ng Bayanihan 2 Act, maituturing itong panandaliang solusyon kamang.
Isinulong niya ang sining bilang mayor ng Quezon City sa loob ng tatlong termino, kabilang na rito ang pagdaraos ng Quezon City Film Festival taun-taon. Sinabi niyang kung ang panukalang
Creative Industry Act ay maipatutupad, hindi lamang ito makatutulong sa mga indibiduwal na performer kundi maging sa buong industriya ng Philippine entertainment.