Derek

Derek dinala si Ellen at Elias sa South Africa

Aster A Amoyo Feb 26, 2022
213 Views

Derek1TINUPAD ng actor, athlete at entrepreneur na si Derek Ramsay ang kanyang pangako sa kanyang wife of more than three months na si Ellen Adarna at sa three-year-old son nitong si Elias Modesto (sa kanyang ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz) na lumipad patungong South Africa for their delayed honeymoon at para maipasyal din doon ang bata at makita nang personal ang iba’t ibang hayop sa nasabing lugar. Bukod sa couple, kakaibang excitement ang nakita nila kay Elias sa kanilang biyahe patungong South Africa kung saan niya gustong makita ang mga lions at hippopotamus.

Sina Derek at Ellen ay unang nagkalapit sa isa’t isa nung January 11, 2021 when the former hosted an intimate dinner sa kanyang bahay na dinaluhan hindi lamang ni Ellen kundi maging ng kanyang (dating) kaibigang si John Estrada na nagpakilala sa dalawa, si Ruffa Gutierrez at ilang kaibigan. It was an instant attraction sa isa’t isa na nauwi sa kanilang pagiging mag-nobyo nung February 4, 2021 na nasundan ng kanilanag biglaang engagagement in less than two months’ time nung March 30 of same year. It was on their 10th month (after they had dinner in the actor’s house) nang magkasal ang dalawa nung November 11, 2021 in an intimate wedding ceremony na ginanap sa Rancho Bernardo in Bagac, Bataan.

The couple celebrated their first year bilang magkasintahan last February 4, 2022.

Although may tig-isang anak na sina Derek at Ellen sa kanilang respective previous partners na sina Austin (for Derek sa ex-wife niyang si Mary Christine Jolly) at Elias (for Ellen sa ex-boyfriend nitong si John Lloyd Cruz), plano ng mag-asawa na magkaroon sila ng sarili nilang baby, hopefully sa isang taon or soon kung ito’y ipagkakaloob sa kanila ng Diyos.

Although 15 years ang age gap ng mag-step brothers na sina Austin at Elias, they get along pretty well.

Austin is 18 (turning 19 on June 28) at 3 years old naman si Elias (turning 4 on June 27). Isang araw lamang ang pagitan ng birthday ng dalawa.

Palibhasa’y lovable at bibo si Elias, parang tunay na anak din ang turing sa kanya ni Derek pero hindi nito inaalis ang karapatan sa bata sa kanyang biological dad na si John Lloyd Cruz who regularly fetch the boy from their house.

GeoffGeoff at Maya kasal na

LEGAL na ang pagiging mag-asawa ng longtime partners na sina Geoff Eigenmann at Maya Flores matapos ikasal ang dalawa sa isang intimate Christian wedding officiated by Pastor Bodie Cruz nung nakaraang Tuesday, February 22, 2022 (02-22-2022), isang special date na hindi na mauulit kailanman.

Si Pastor Bodie ay ang dating actor at gitna sa tatlong anak ng mag-asawang Tirso Cruz III at Lyn Ynchausti.

After a little over six years of being together and three beautiful kids na sina Arabella (4), Angus (2) at bunsong si Penelope Rose (1), the couple who got engaged nung April 2019 sealed their long relationship with marriage bagay na ikinatuwa ng kanilang respective families and friends.

Si Geoff ay pangalawa sa tatlong anak ng dating mag-asawang Michael de Mesa at Gina Alajar. Ang dalawa pa niyang mga kapatid ay ang panganay na si Ryan habang si AJ naman ang bunso.

Si Geoff na napapanood ngayon sa top-rating and long-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan at pinamamahalaan ni Coco Martin ay pinsang-buo nina Gabby Eigenmann, Maxene Eigenmann, Sid Lucero at Andi Eigenmann. Tiyahin naman nila ang mahusay na aktres na si Cherie Gil habang ang namayapang actor na si Mark Gi ay uncle nina Geoff, Ryan at AJ. Grandparents naman nila ang veteran singer-actor-turned pastor na si Eddie Mesa at ang veteran actress na si Rosemarie Gil kaya nagmula si Geoff sa royalty family ng mga Eigenmann in showbiz.

Bago ang kanyang misis na ngayon na si Maya, Geoff was in a long relationship with Kapuso singer-actress na si Carla Abellana na nung Oktubre lamang ikinasal sa kanyang kapwa Kapuso actor na si Tom Rodriguez pero pagkalipas ng tatlong buwan ay nauwi naman sa hiwalayan ang pagsasama ng dalawa.

Samantala, nag-post naman sa kanyang Instagram account si Pastor Bodie para sa bagong kasal.

“It was a privilege sharing this milestone with good family friends. Celebrating with you in your new season, Geoff and Geli! Declaring God’s abundant blessings for your marriage”.

Ang mensahe ni Pastor Bodie ay agad naman sinagot ng ina ng groom na si Geoff, ang actress-director na si Gina Alajar.

“Fist bump Pastor Bodie. Hi-five Lyn,” referring to the pastor’s mom at wife ni Pip (Tirso Cruz III) na si Lyn Cruz.

Ngayong may basbas na ang Diyos sa pagsasama ng couple na sina Geoff at Maya, masayang-masaya for them ang kanilang respective families at malalapit na kaibigan.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo”. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.