Calendar
Pagpapanatili ng mga katutubong laro ng bansa, kinatigan ng Kamara
LUSOT na sa Kamara ang House Bill No. 8466 na layong ipreserba ang mga katutubo o tradisyunal na laro at palakasan sa bansa gaya ng patintero at luksong-tinik upang hindi ito mabaon sa limot.
Sa botong 275 pabor at walang tutol, inaprubahan ng Kapulungan ang panukala sa ikatlo at huling pagbasa para bigyang halaga at mapreserba ang mayamang kasaysayan ng mga katutubong Pilipino at maisulong ang tradisyunal na mga laro para sa kabutihan ng mga kabataan.
“The indigenous games and sports of our country are a part of our identity as Filipinos and as a nation,” sabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, na siyang lider ng 312 na kongresista “Hence, we must support legislations that will deepen our connection to our historical roots, while also promoting self-expression, peace, harmony, goodwill, and camaraderie, in line with our mandate under the Constitution and the United Nations Declaration on the Rights of Indigenous Peoples,” dagdag ng kinatawan ng unang Distrito ng Leyte
Kabilang sa mga mambabatas na nagsulong ng panukala sina Reps. Marlyn Primicias-Agabas, PM Vargas, Gus Tumbunting, Faustino Michael Carlos Dy III, Lord Allan Velasco, Keith Micah Tan, Charisse Anne Hernandez, Richard Gomez, Eric Buhain, Stella Luz Quimbo, at Manuel Jose Dalipe.
Batay sa Section 3 ng HB 8466, ang “indigenous games” ay mga tradisyunal na palaro at laro na konektado sa tradisyon, kaugalian at gawi, at repleksyon ng kasaysayan ng iba’t ibang indigenous traditional sports indigenous cultural communities o indigenous peoples, na ipinasa at ipinamana sa kada henerasyon tulad na lang ng bunong braso, ginnuyudan, hilahang lubid, kadang-kadang, karera sa sako, luksong-tinik, patintero, syato, unggoy-unggoyan.
Kasama rito ang mga laro ng indigenous communities, na ginagamitan ng katutubong materyal bilang obserbasyon sa mga ritwal, cultural festival, pakikipag-kapwa, entertainment ang kompetsiyon.
Binibigyang mandato nito ang Philippine Sports Commission (PSC), sa pakikipagtulungan sa Philippine Olympic Committee (POC), National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), at mga lokal na pamahalaan na magdaos ng taunang indigenous sports competitions sa regional at buong bansa.
Kokonsultahin naman ang mga indigenous cultural community (ICCs) at indigenous peoples, sa palarong mapipili ng host-LGU sa isasagawang regional at national indigenous sports competitions.
Inaatasan ang NCIP ate National Commission for Culture and the Arts (NCCA), kasama ang Department of Education, Commission on Higher Education, PSC, POC, LGUs, at Philippine Information Agency, para maglatag ng mga hakbang kung paano mapreserba ang indigenous games gay ana lamang ng pagsasama ng indigenous games sa curriculum at iba pang angkop na aktibidad sa mga paaralan sa basic at higher education sytam gayundin ang pagbuo ng isang dokumentaryo at iba pang materyal para sa indigenouse games.
Oras na maisabatas ang HB 8466 mapapasama na rin ang indigenous games sa Palarong Pambansa at iba pang national sports events, at pagsasaliksik sa mga palakasan at palaro na tradisyunal nang nilalaro ng indigenous groups, sa konsultasyon kasama ang ICCs o IPs, para matiyak na ma-preserba ang mga ito.