Calendar
Hagedorn gustong ma-secure control ng PH sa WPS
BUNSOD ngpangbu-bully na ginagawa ng mga sundalong Chinese sa West Philippine Sea naghain ng resolution si Palawan 3rd Dist. Congressman Edward S. Hagedorn para hikayatin ang pamahalaan na gumawa ng kaukulang aksiyon para ma-secure ang kontrol ng Pilipinas sa WPS.
Binigyang diin ni Hagedorn na isinulong nito ang House Resolution No. 1201 para hikayatin ang Philippine government na kumilos at magbalangkas ng nararapat na hakbang para ma-secure nito ang control ng bansa sa WPS sa pamamagitan ng pagsasagawa ng joint multilateral maritime patrol.
Naudyok si Hagedorn na maghain ng House Resolution para magkaroon ng multilateral maritime patrol sa nasabing karagatan bunsod ng insidenteng nangyari sa WPS Palawan.
Ito ay ang ginawang pambo-bomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard (CCG) sa isang Philippine vessel na maghahatid sana ng supply at rotation mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Binigyang diin ni Hagedorn na ang nabanggit na pangyayari ay bahagi lamang ng serye ng pangha-harass at pandarahas na ginagawa ng CCG laban sa mga Pilipinong mangingisda kabilang na dito ang pangbu-bully sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa WPS.
Nakapaloob sa House Resolution na isinulong ni Hagedorn sa Kamara de Representantes na kapwa ipinahayag ng Pilipinas at Estados Unidos (US) ang kanilang intensiyon na magsagawa ng joint maritime patrol para sa proteksiyon at sovereign rights ng bansa sa WPS.
Ayon pa kay Hagedorn, kabilang na dito ang pagpapanatili sa regional stability at tinatawag na freedom from navigation at overflight sa South China Sea (SCS).
“The Philippine government should also conduct a joint multilateral maritime patrol with several like-minded and allied States, which will be seen as a stronger and more resolute initiative in asserting the sovereign rights of the Philippines and deterring unlawful aggression and harassment,” ayon kay Hagedorn.
Nakasad din sa inihaing resolution ng kongresista na: “There is now an imminent need to shift to a more definitive and concrete action to assert the Philippines’ sovereign rights and jurisdiction over the WPS, deter further harassments, and to uphold and preserve the freedom of navigation and overflight in the SCS”.
Idinagdag pa ni Hagedorn na: “The resolution cited the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), customary international law, and the 1987 Philippine Constitution in seeking the conduct of joint multilateral maritime patrol in the WPS. Following the August 5 incident, the Philippine government summoned China’s ambassador and filed a strongly worded diplomatic protest over the CCG’s action”.