Calendar
Budget na ibinigay sa DOT dadagdagan na ng Kamara — Madrona
NAGAGALAK na ibinalita ng Chairman ng House Committee on Tourism na si Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona na dinagdagan na ng House Committee on Appropriations ang 2024 proposed national budget para sa Department of Tourism (DOT).
Ito ang napag-alaman ng People’s Taliba kay Madrona, chairperson ng Committee on Tourism sa Kamara, na pumayag na ang Committee on Appropriations na dagdagan ang maliit na budget na ibinigay para sa Tourism Department na nagkakahalaga lamang ng P2.99 billion para sa susunod na taon.
Ikinatuwiran ni Madrona na kailangan ng malaking pondo ng Tourism Department dahil ito ang nag-aakyat ng malaking pera sa kaban ng gobyerno sa pamamagitan ng napakalaking kita mula sa mga dayuhan at lokal na turista na nagsisilbing “life-line” ng Philippine tourism.
“Kinuwestiyon ko na iyan sa kanila na bakit naman of all the government agencies eh’ ito pang Department of Tourism ang binibigyan nila ng maliit na budget. Samantalang ang DOT ang nag-aakyat ng pera sa ating gobyerno. And take note, ang DOT din ang pinaka-busy sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan,” ayon kay Madrona.
Gayunman, sinabi ni Madrona na sumang-ayon na ang House Committee on Appropriations na dagdagan ang 2024 national budget ng DOT ng P9 million. Kung saan, ang P8 million ay ilalaan para sa mga infrastructure projects ng DOT para sa pagsasa-ayos ng mga tourist destinations.
“Nagpapasalamat naman tayo at dinagdagan na nila ang budget ng DOT, kasi talagang napakaliit. Ang P8 million ay ilalaan para sa mga infrastructure projects ng DOT kagaya ng mga daan o roads leading to a tourist destination at yung P1 million naman ay para sa kanilang ahensiya,” dagdag pa ni Madrona sa panayam ng People’s Taliba. Nauna na rin ipinahayag ni Madrona na bilang Chairman ng Committee on Tourism, sinusuportahan nito ang panawagan ni Tourism Sec. Maria Christina Garcia Frasco na madagdagan ang kanilang budget para sa ssusunod na taon.
Dahil dito, optimistiko ang kongresista na mabibigyan ng konsiderasyon ng House Committee on Appropriations na pinamumunuan ni Albay 2nd Dist. Congressman Joey Sarte Salceda para magkaroon ng increase sa 2024 proposed budget ng DOT kabilang na ang mga attached agencies nito.
Ipinaliwanag mambabatas na na maliit umano ang P2.99 billion budget ng DOT para sa susunod na taon o mababa ng 20% mula sa dating P3.7 bilyong pondo nito. Sapagkat nakahilera ang mga isususlong na programa ng ahensiya na nakapaloob sa National Expenditure Program (NEP) para sa 2024.
Binigyang diin ni Madrona na kailangan ng sapat na pondo o magkaroon ng adequate funding ang DOT upang matagumpay na makamit nito ang kanilang objective na maging isang “tourism powerhouse” ang Pilipinas sa buong Asya na vision mismo ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.
Sinabi ng mambabatas na pagharap ni Frasco sa nakalipas na budget hearing sa Kamara de Representantes. Ang ni-request nitong budget para sa Tourism Deparment at P15.5 billion kabilang na dito ang P8 billion naman para sa Tourism Road Infrastructure Program (TRIP).