Calendar
Magsino umaapela sa DBM dagdagan compensation package ng Foreign Service
UMAAPELA si OFW Party List Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino sa Department of Budget and Management (DBM) na magkaroon ng dagdag sa “compensation package” sa Foreign Service matapos sumalang sa budget deliberations ng Kongreso ang Department of Foreign Affairs (DFA).
Ipinaliwanag ni Magsino na hindi na maituturing na “responsive” sa kasalukuyang sitwasyon partikular na sa kalagayan ang ekonomiya ng bansa ang isinasaad ng Foreign Service Act of 1991 dahil sa tumataas na presyo ng mga bilihin o basic commodities kabilang na ang iba pang gastusin.
Dahil dito, umaasa si Magsino na mabibigyan ng konsiderasyon ng DBM ang kalagayan ng mga Foreign Service na kinabibilangan ng mga consul, Diplomats at iba pang Foreign Affairs officials at personnel sa pamamagitan ng pagkakaloob sa knila ng karagdagang sahod, benepisyo at iba pa.
“It is only right and proper in consideration of their unique task of providing support and assistance to our OFWs and Overseas Filipinos and in representing the nation around the world. I hope in due time and through appropriate means we will increase the basic salaries of our Foreign Service,” ayon kay Magsino.
Sinabi pa ng kongresista na napaka-halagang papel ang ginagampanan ng mga Foreign Service officials at personnel partikular na ang pagbibigay ng proteksiyon para sa kapakanan at kagalingan o welfare ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagta-trabaho sa iba’t-ibang panig ng mundo.