Hataman

Hataman ikinagalak paglalaan ng mas malaking pondo para sa Marawi Compensation Fund

Mar Rodriguez Oct 3, 2023
165 Views

IKINAGALAK ni Basilan Lone Dist. Cong. Mujiv Hataman ang pangako ng Department of Budget and Management (DBM) na paglalaanan nila mas malaking pondo ang Marawi Compensation Fund (MCF) na itinuturing nitong isang malaking tagumpay para sa mga biktima ng 2017 Marawi Siege.

Sinabi ni Hataman, House Deputy Minority Leader, na nangako na ang DBM na ilalabas na nito ngayong linggo ang ipinangako nilang P1 billion MCF. Bukod pa aniya sa kanilang ipinangako na itataas nila sa P5 billion ang MCF batay sa inaprubahang 2024 proposed national budget.

Ayon kay Hataman, nakakuha umano siya ng commitment mula kay DBM Sec. Amenah Pangandaman na gagawin nilang P5 billion ang nasabing pondo para sa mga naging biktima ng Marawi siege para sa muling pagpapatayo ng kanilang mga tahanan at negosyo na sinira ng nangyaring digmaan.

Ipinahayag pa ng kongresista na anim na taon ng hinihintay ng mga biktima ng Marawi siege ang MCF upang makapag-simula sila uit ng panibagong buhay at makabangon sa bangungot ng nasabing digmaan matapos magkawindang-wiundang ang kanilang kabuhayan at negosyo noong 2017.

“Hindi talaga kasya ang P1 billion sa isang taon. Tandaan natin, limang taon lang ang ibinigay natin sa Marawi Compensation Board (MCB) para matapos ang pagbabayad sa mga biktima sa Marawi. Kaya mahalaga na madagdagan ang kanilang ponding ipapamahagi sa mga biktima,” sabi ni Hataman.

Ipinaliwanag pa ni Hataman na batay sa datos ng MCB, mula July 4 hanggang August 31, 2023. Umabot na sa 4,762 ang inihaing claims na nagkakahalaga ng 17.46 billion. Kung saa, Babayaran na aniya ngayong linggo ang 362 claimants na may halagang aabot sa P1.023 billion.